Kumusta na si lolo Jose?

Lagpas isang buwan na din simula nung huling araw ko sa trabaho sa Makati pero dahil may kailangang lakarin halos tuwing Miyerkules ako pumupunta ng Makati. Dinadaanan ko pa din si lolo Jose, minsan andun sya minsan wala. Nang natyempuhan ko sya nung minsan, tinanong nya ko “Hindi ka ba napapagod”. Sabi ko “Bakit po?”, “Lagi ka kasing may nilalakad.” Napangiti na lang ako sabay kumusta sa kanya. Nakita ko na konte lang laman ng bag nya kaya napatanong ako kung asan na yung mga gamit nya. Nanakawan na naman sya ng mga gamit kaya ayun wala na yung unan at kumot na dinodate ng kaibigan ko. Ayaw na din daw syang patulugin dun sa tinutulugan nya sa Mandaluyong kasi maraming nawawalan ng gamit.

Lolo Jose
Last July 19, 2017

Kinumusta ko din kung magkano na naipon nyang pera dun sa doctor na sinasabi nya na tutulong maoperahan sya, asa anim na libo na daw eh bentesingko ang kailangan para sa operasyon nya. Ganun pa din tinanggihan pa din nya ko kumain kahit sa malapit na fastfood lang. Tinapay lang daw ok na sya. May ilan ilan na ding akong napagforwardan ng kwento ni lolo Jose pero sa facebook lang. Katulad ng Fan Page ng DSWD, TV Patrol, Jessica Soho, DSWD Sec. Judy M. Taguiwalo, DOH, Mandaluyong City, My Makati pero di sila nagbabasa ng message. Nagreply si DSWD Sec. Judy M. Taguiwalo after isang buwan kung andun pa si lolo pero di na nya ulet nabasa reply ko sa message nya.

Lolo Jose
Last August 16, 2017

Sumusulat ako ulet para magbakasakali na may makabasa nito na nakakakilala kay Gilbert Flores Salgado kapatid ni lolo Jesus na asa Bicol. Kung hinde ko man magawan ng paraan na madala dun si lolo baka naman masundo sya ng kapatid nya. Bukod dun gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na nagshare ng post ko at sa nagdonate para kay lolo, God Bless sa inyo.

Advertisements

2 thoughts on “Kumusta na si lolo Jose?

  1. ~ pinagdasal ko na sana ayos lang siya. di bale, hanap pa tayo ng ibang kawani ng pamahalaan na tutulong sa mga kagaya nya. ung mga home for the aged kaya, ano sa palagay mo? pagpalain ka nawa sa iyong pagmamalasakit. (y) – mgaisyuatekek

    • Hi, Thanks sa prayers. May kapatid pa po sya sa Bicol kaya sana madala na lamg sya dun. If may kilala po kayo na makakatulong pakidulog na lang po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s